BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Friday, August 14, 2009

BADJAO INTERSECTION(sagwa ng title isip pa ako)=D

Hindi ko lubos maisip kung bakit sa mundo meron ipinapanganak na mahirap o sobra pa sa mahirap at lumalaki silang homeless at namulat sa mundo ng mga nanlilimus sa kalsada? Ng ako’y nasa jeep papuntang sm sta.rosa may isang batang babae at isang sanggol na bitbit nya sa may intersection bago mag perpetual..umupo sya at pinamigay ang sobre na may nakasulat na”isa po akong badjao na humihingi ng tulong sa iyo” gasgas na ang line na yan kahit nung nag-aaral pa ako sa letran ganyan din ang linya na ginamit minsan, nung binasa ko ang nakasulat sa sobre biglang my pumasok sa isip ko at ito yun: anak ng galunggong!mas maganda pa ang sulat sakin! Dikit dikit pa! At nakakatawang isipin sa murang edad dikit dikit na magsulat na hindi naman sila nakapag-aral?in short hawak sila ng isang sindikato. At nung tinitignan ko yung sanggol damn! Yung left side ng ulo nya nagnanana at ang laki may dugo pa na lumalabas at yung babaeng katabi nila pilit na umiiwas dahil napapadikit yung ulo ng bata sa formal nyang damit at kahit malayo sila sakin naamoy ko ang hindi ko ang nakakahilo nilang amoy ano pa kaya yung babaeng katabi nila(nice one) tinalo pa ang perfume nya..

Sa mga sobre na binibigay nila ni isa sa mga pasahero walang nagbigay. Kasama na ako doon minsan naiisip ko ilan sa mga pasaherong kasama ko hindi nagbibgay ay dahil alam nila kung saan napupunta ang pera, sinasabi ko sa sarili ko pambihirang sindikato toh! Hindi man lang paliguin ang mga taong ito.Pwera sa pag-bibigay ng sobre isa rin trabaho nila ang manlimus sa mga sasakyan kasama ang taong bulag at ginagabayan ng isang batang may paningin..nakakaawang isipin pero mas nakakaawa sila dahil hindi naman sila ang nakikinabang sa perang kinikita nila. Sumunod ng linggo nung papunta naman ako ng perpetual para bisitahin ang aking kaibigan humito ang jeep sa may intersection dahil traffic, nakaupo ako sa dulo malapit sa pinto(wala namang pinto ang jeep diba!??) habang nakikinig ako sa ipod biglang may kumalabit sakin isang badjao nanaman kung titinig ko or eestimate ko ang edad nya nasa 28 na sya, (mapilit na salita)“iha pahingi ng unting tulong?” “pasensya na po wala ho” ayaw ako tantanan at matapang pa sya! Sumagot ako ng may paggalang”pasensya na ho wala talaga”. Kahit gusto ko syang bigyan hindi ko magawa at ayoko rin dahil alam ko kung saan mapuputa, kung may pagkain lang sana ako yun na lang ibibigay ko busog pa sya.

Agusto 07 5:30pm( wow sobrang tagalog) patungo ako sa perpetual kung saan doon nakadorm ang kaibigan ko(hindi mismo sa perpetual sa harap lang) habang tumatakbo ang jeep isang batang lalaki ang bigalaang sumakay(badjao siguro) na kung tawagin ay “B-P-P : BOY PUNAS PAA”O KAYA “BOY PUNAS” (B-P for short) at pinagpupunas ang mga sapatos namin pati mga naka tsinelas lang pinunasan din at hanep sa punas! basta lang nakapunas imbis na maalis ang dumi nadagdagan pa sa dami ba namang pinupunas sari saring sapatos na ang napunas isa na ako doon pinunasan ng bata ang paa ko at naramdaman ko ang magaras na dumi na ipinahid ng sakin tipong alikabok o lupa na galing sa tambutcho at sa kalsada. Pero binigyan ko pa rin ng piso kahit pano nakakaawa kasi.

Sa bawat kita ko sa mga taong badjao at sa mga batang nagpupunas sa intersection iniisip ko kahit ganito lang sila may mga pangarap din na gusto matupad at marami sa kanila gusto makapag-aral wala lang silang puhunan at naiisip ko din paano kung ako ang nasa kalagayan nila ipinanganak na magpunas ng mga sapatos,humingi sa mga tao sa jeep, na minsan maiisip mo bakit ako ipinanganak na ganito?bakit hindi sa mundo ng may mga kaya-kaya? Nakakaawang isipin ang mga sanggol na hawak nila, walang kamuwang muwang sa ngyayari ginagawa silang model(hindi ko alam kung paano idedescribe) para maawa ang tao sa kanila. Sa bawat araw lagi ko naiisip yun napaka palad ko na lang talaga at inilgay ako ng dios sa ganitong buhay na kahit paano nakakapag-aral ako pero sa likod ng aking isip tinatanung ko din sa sarili ko bakit ganun ang buhay? Bakit nila kailangan maranasan yun mawawala na lang sila sa mundo ganun pa din ang istado ng buhay nila alam ko hindi gusto ng dios yun at ayaw nyang mang yari may kasabihan kasi na” everything has a purpose” pero hindi ko pwede iapply dito, hindi ko naman pwedeng sabihin na may purpose ang dios kaya ipinanganak ka sa ganyang buhay namulat ka, nagkaisip at marerealize mo wala pala kayong bahay. Marami sa atin ang hindi makuntento sa kung anong pamumuhay meron tayo, ou gusto mo umasenso gusto mo higitan ang buhay...

ITUTULOY....ANTOK NA KASI AKO..=D

0 comments: